Luy utak ng sindikato - Revilla

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Senador Bong Revilla Jr. ang pahayag ng pinakabagong “provisional” state witness na si Dennis Cunanan na sangot siya sa pork barrel scam.

Sinabi ni Revilla na isa na naman itong hakbang ng gobyerno upang lalo silang idiin ng mga kapwa akusado na sina Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Sa sinumpaang salaysay ni dating Technology Resource Center (TRC) deputy director general Cunanan ay sinabi niyang tinawagan siya ni Revilla upang i-follow up ang paglabas ng pondo na umano’y kalauna’y ipinasok sa mga pekeng non-government organization ng itinuturong mastermind Janet Lim-Napoles.

Kaugnay na balita: Cunanan isa na ring 'provisional' state witness sa pork scam

Nakikita naman ng abogado ni Revilla ang paglutang ni Cunanan na isang hakbang upang makalusot sa nakahaing kaso laban sa kanya sa Ombudsman.

“(It is a) veiled attempt to be freed from prosecution of plunder,” wika ng abogadong si Joel Bodegon na sinabing hindi maaaring isailalim sa Witness Protection Program si Cunanan dahil mahina ang salaysay ng dating opisyal ng TRC.

 â€œThey need a Ruby Tuason to pin down Senator Revilla. They need a person to declare that he or she delivers money to Senator Revilla, but this strategy will not succeed,” dagdag ni Bodegon.

Samantala, kumpiyansa naman ang kampo ni Revilla na hindi magsasalita ang dati niyang tauhan na nadadawit din sa pork scam.

“We are confident. Even if he turns his back, he cannot say anything against Senator Revilla in this issue, “ banggit ni Bodegon.

Sinabi ni Revilla na isang sindikato ang mga whistleblowers na pinangungunahan ni Benhur Luy.

“This is a handiwork of Benhur Luy. This is obviously an operation of a sophisticated criminal syndicate,” Bodegon said.

Anila gagawin nila ang lahat upang lumabas ang katotohanang walang kinalaman si Revilla.

"We are working on this. We want to be sure that our allegations are backed with evidence… That Senator Revilla has nothing to do with this operation…We want the truth to prevail,” banggit ni Bodegon.

Show comments