MANILA, Philippines - Binalewala ng Malacañang ang hamon ng mga biktima ng bagong Yolanda kay Pangulong Aquino na matulog at kumain ng lugaw araw-araw sa kanilang mga tents sa evacuation center sa Tacloban City.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na nila papatulan ang nasabing hamon ng grupong People Surge dahil nirerespeto ng Palasyo ang kanilang sentimyento at mga opinyon.
Wika ni Lacierda, hindi naman nagpapabaya ang gobyerno sa pangangailaÂngan ng mga Yolanda survivor dahil patuloy ang buhos ng mga biyaya o tulong mula sa DSWD at patuloy din ang rehabilitation at reconstruction efforts ng DPWH.
Magugunita na sinabi mismo ni PNoy kamakalawa na babalik siya sa lugar na sinalanta ng bagyo at lindol sa susunod na linggo bago siya magtungo sa Malaysia upang personal na alamin ang rehab efforts ng gobyerno.