MANILA, Philippines – Nais munang ipasuri ni Panguong Benigno Aquino III kung totoong may sakit ang itinuturong nasa likod ng bilyung-bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles bago payagang isailalaim sa hospital arrest.
Sinabi ni Aquino ngayong Miyerkules na trabaho ng gobyerno na masiguro ang kalusugan ng mga preso.
"Obligasyon nating manigurado na 'yung mga taong nakapiit sa ating mga kulungan ay pinapangalagaan ang kalusugan. So papacheck natin kung talagang meron siyang medical na reason," wika ni Aquino.
Kahapon ay hiniling ng kampo ni Napoles sa pamamagitan ng kanyang abogado na sumailalim sa hospital arrest dahil sa umano’y iniindang sakit.
Kaugnay na balita: Hospital arrest hiling ni Napoles
Nakasaad sa apat na pahinang “Urgent Motion To Conduct Medical Examination†ni Napoles na ginawa ng abogadong si Fay Isaguirre Singson para sa Makati Regional Trial Court na kailangang madala ang kanyang kliyente sa St. Luke's Hospital sa Taguig City dahil sa posibleng ovarian tumor.
"These comprehensive examinations and medical procedures cannot be conducted inside the Fort Sto. Domingo, where accused is currently detained, for lack of facilities," pahayag ni Singson.
Pero ipinaubaya na ni Aquino ang desisyon sa korte.
Kasalukuyang nakakakulong ngayon si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa kasong serious illegal detention na inihain ng pork scam whistleblower na si Benhur Luy.