^

Bansa

Tax exemption sa 13th month tinaasan na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Good news sa mga empleyado!

Nagkasundo na ang dalawang kapulungan ng Kongreso na taasan ang limit sa tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonuses.

Ayon kay Senate President Franklin M. Drilon, panahon na upang amiyendahan ang batas upang mas maging mataas ang tax exemption sa 13th month pay

Ang panukala ay nakapaloob sa Senate Bill No. 256, na isinulong ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na kabilang sa mga tinatawag na “pro-consumer legislation”.

Kapag naging ganap na batas, tataasan ang tax exclusion limit sa 13th month pay, Christmas bonus, at iba pang work benefits at ipapako sa P75,000 mula sa kasalukuyang P30,000.

Sinabi ni Drilon, nararapat lamang maipasa ang panukala bilang tulong sa mga pampubliko at pribadong manggagawa na patuloy na tinatamaan ng pagtaas ng mga bilihin.

AYON

DRILON

KAPAG

KONGRESO

NAGKASUNDO

SENATE BILL NO

SENATE PRESIDENT FRANKLIN M

SENATE PRO-TEMPORE RALPH RECTO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with