MANILA, Philippines - Nababahala ang grupo ng mga whistleblower sa kahihinatnan ng kanilang pagbubunyag ukol sa pork barrel funds scam pagsapit ng 2016 kung si Vice President Jejomar Binay umano ang magiging paÂngulo kaya nais nilang madaliin ng mga kinauukulan ang kaso bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblower, natatakot sila kay Binay dahil una pa lamang ay hindi na umano ito naniniwala sa mga whistleblower at minaliit din daw ang mga isinagawang imbestigasyon at ebidensya kahit hindi pa man nito nakikita ang mga affidavit at dokumento na kanilang isinumite.
Pinuna din ni BaliÂgod ang umano’y ginaÂwang pagtatanggol agad ni Binay kina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na una nang isinangÂkot sa pagtanggap ng kickback sa PDAF funds.
“Iyan ang isa sa mga kinakatakot ng mga whistleblower na kung iba na ang Presidente ay abswelto na ang mga isinasangkot at baka kami pa mismo ay mabaligtad at kami ang kasuhan. Ang imbestigasyon sa pork barrel scam ay walang kinalaman sa pulitika pero aminado kami na crucial ang 2016 sa pork barrel case kaya ang kailangan na susunod na Pangulo ay graftbuster at hangad ang tunay na pagbabago sa paggamit ng kaban ng bayan,†sabi ni Baligod.
Una nang binatikos ni Justice Secretary Leila de Lima si Binay sa pagmamaliit nito sa imbestigasyon na ginagawa ng NBI sa pork barrel scam kung saan pinuna pa ng kalihim na pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa si Binay ngunit sa halip na suportahan sila sa kanilang trabaho na malaman ang katotohanan sa likod ng paggastos sa PDAF funds ay ito pa ang bumabatikos sa kanila.
Sinabi naman ni Senator Alan Peter Cayetano na malamang matakot na ang mga potensyal na whistleblowers dahil sa pagdepensa ni Binay kina Enrile at Estrada at pagtawag ng pangalawang pangulo sa imbestigasyon na “trial by publicityâ€.
Ipinahiwatig ni CayeÂtano na isang dagok sa kamÂpanya ng administrasyon na “Daang Matuwid†ang pahayag ni Binay lalo pa’t mistulang kinakampihan nito ang mga nahaharap ngayon sa kasong plunder.
Ayon naman kay Enrile, kumpiyansa siyang mananalo si Binay sa 2016.
Kapwa kakampi ni Binay sa oposisyon sina Estrada at Enrile.