MANILA, Philippines – Muling naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kontra sa pagtataas singil ng pinakamalaking power distributor sa bansa ang Manila Electric Company (Meralco).
Inilabas ng mataas na hukuman ang 60-araw na TRO ngayong Martes upang pigilan ang karagdagang P4.15 per kilowatt hour (kwh) singil ng Meralco.
Nauna nang naglabas ng TRO ang Korte Suprema noong Disyembre 23 matapos pumutok ang umano’y sabwatan ng ilang power producers at ahensya ng gobyerno para itaas ang singil sa kuryente.
Kaugnay na balita: SC pinagpapaliwanag ang DOE at ERC sa Meralco rate hike
Samantala, hinarang din ng korte ang pangongolekta ng generation charge ng electric companies.
Sinabi ng Meralco na ang pagtataas ng singil ay bunsod ng pagbili nila ng mas mataas na halaga ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market kasunod ng maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility.
Noong Enero ay hiningian ng Korte Suprema ng paliwanag ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) kung bakit pinalusot ang P4.15 per kilowatt-hour rate na dagdag singil ng Meralco.
Matatapos ang unang inilabas na TRO sa Pebrero 21 kaya naman naghain ng 11-pahinang petisyon sina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Isagani Zarate.
“It is but proper and just to restrain the implementation of the power rate hike anew and with extreme dispatch in order to afford petitioners and the public effective injunctive relief,†nakasaad sa kanilang apela.
“The previous restraining order must be reinstated and completed by an order from this Honorable Court indefinitely restraining GenCos (generation companies) from collecting the generation charge pending the resolution of this Petition,â€dagdag ng dalawang mambabatas.
Magsisimula ang TRO ngayong araw hanggang Abril 22.