Online libel sa Cybercrime law naaayon sa Saligang Batas - SC
MANILA, Philippines – Maaaring managot sa batas ang sinumang magpo-post ng mga malisyosong bagay at mapanirang pahayag laban sa isang tao, ayon sa mataas na hukuman ngayong Martes.
Inilabas ng Korte Suprema ang desisyon kung saan sinabi nilang naaayon sa Saligang Batas ang online libel na probisyon ng Cybercrime Prevention Act.
“The court also ruled on the constitutionality of online libel when it further declares that Sec 4 C4 which penalizes online and cyber-libel is not unconstitutional with the respect to the original author of the post," pahayag ni SC spokesman Theodore Te.
Samantala, hindi naman pinaboran ng mga hukom ang pagpaparusa sa mga magpopost ng kanilang reaksyon o komento sa isang libelous statement o mensahe.
"[The law's online libel clause] is unconstitutional only when it penalizes those who simply receive the post or react to it," dagdag niya.
Hindi tulad nang naunan iminungkahi, pareho lamang ng parusa na nakasaad sa Revised Penal Code ang ipapataw sa sinumang mapapatunayang lumabag sa naturang batas.
Maaring makulong ang at magbayad ng multang P200 hanggang P6,000 ang lalabag sa online libel na probisyon ng Cybercrime law.
Kinatigan din ng korte ang parusa ng anti-cybercrime law sa mga sumusunod:
- illegal access
- illegal inteception
- data interference
- system interference
- misuse of devices
- cyber squatting
- computer-related fraud
- computer-related identity theft
- cybersex
Hindi naman lumusot sa korte ang mga parusa sa child pornography upang maiwasan ang “double jeopardy†dahil anila ay mayroon nang batas at parusa dito.
- Latest