MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senate President Franklin Drilon na nakatali pa din ang kamay ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga Reproductive health services dahil sa kawalan ng desisyon mula sa Korte Suprema hinggil sa RH Law.
Pinuna ni Drilon na 14 na buwan na ang ginugol bago naipasa ang kontrobersyal na RH law pero hanggang ngayon ay hindi ito maipatupad ng gobyerno dahil nakabinbin pa ang usapin sa Supreme Court.
Sinabi pa ni Drilon na ang desisyon ng Mataas na Hukuman ang kailangan upang makagalaw na ang gobyerno at matugunan ang pangangailangan ng mga buntis na kailangan ang tulong.