MANILA, Philippines - Tiniyak ng isang mataas na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources na kanilang proprotektahan laban sa reklamasyon ang isa sa pinakamahalagang wetland sa buong mundo na matatagpuan sa Metro Manila.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Government Corporation and Public Enterprises kamakailan, siniÂguro ni DENR-Environment Management Bureau OIC Director Juan Miguel Cuna kay Sen. Cynthia Villar na hindi makakabilang ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat Eco-Tourism Area (LPPCHEA) sa planong reklamasyon.
Tinukoy ng contractor na Altech Inc. na ang LPPCHEA na isa sa mga lugar na maaapektuhan ng planong reklaÂmasyon sa Manila Bay.
Sinang-ayunan ni Cuna na ang pahayag ni Villar na kailangang itigil ang reclamation project kung masisira nito ang critical habitat.