MANILA, Philippines - Nakahandang makiÂpagdayalogo ang Malacañang sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nakatakdang sumugod sa Palasyo, ayon kay Sec. Herminio Coloma Jr.
Sinabi ni Coloma na handang makinig si PaÂngulong Benigno Aquino lll sa anumang hinaing ng mga biktima ni Yolanda kung saan ay tinutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan nila.
Itinalaga pa nga ng Pangulo si Sec. Panfilo Lacson bilang rehabilitation czar upang pangunahan ang pagtulong sa mga biktima ng Yolanda.
“Ang sinasabi ko lang po, sa lahat ng pagkakataon ay handa namang makipagdayalogo at makipag-usap ang ating pamahalaan sa lahat ng mga mamamayan, orgaÂnisasyon, at sektor na mayroong lehitimong karaingan at nais magpahatid ng saloobin. Handa po tayong makinig sa kanila at bigyan ng karampatang solusyon ‘yung kanilang hinaing,†dagdag pa ni Coloma.
Naunang napaulat na isang grupo ng mga nakaligtas sa Yolanda ang nagpaplanong magsampa ng class suit laban sa pamahalaang Aquino dahil sa umano’y kapabayaan sa pagbibigay ng sapat na tulong sa mga biktima ng bagyo.
Ang Tindog People’s Network ay binubuo ng mga Yolanda survivors, kanilang pamilya at mga tagasuporta. Sinisisi nila ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa umano’y criminal neglect sa mga biktima ng Yolanda bunga ng sinasabi nilang dispalinghadong disaster preparedness ng pamahalaan, rescue, relief at rehabilitation efforts.
Sinasabi ng tagapagsalita ng grupo na si Mark Louie Aquino, pagkaraan ng 100 araw mula nang maganap ang kalamidad, walang sapat na tulong na natatanggap mula sa pamahalaan ang mga biktima ni Yolanda.