^

Bansa

Yolanda survivors haharapin ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahandang maki­pagdayalogo ang Malacañang sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nakatakdang sumugod sa Palasyo, ayon kay Sec. Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma na handang makinig si Pa­ngulong Benigno Aquino lll sa anumang hinaing ng mga biktima ni Yolanda kung saan ay tinutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan nila.

Itinalaga pa nga ng Pangulo si Sec. Panfilo Lacson bilang rehabilitation czar upang pangunahan ang pagtulong sa mga biktima ng Yolanda.

“Ang sinasabi ko lang po, sa lahat ng pagkakataon ay handa namang makipagdayalogo at makipag-usap ang ating pamahalaan sa lahat ng mga mamamayan, orga­nisasyon, at sektor na mayroong lehitimong karaingan at nais magpahatid ng saloobin. Handa po tayong makinig sa kanila at bigyan ng karampatang solusyon ‘yung kanilang hinaing,” dagdag pa ni Coloma.

Naunang napaulat na isang grupo ng mga nakaligtas sa Yolanda ang nagpaplanong magsampa ng class suit laban sa pamahalaang Aquino dahil sa umano’y kapabayaan sa pagbibigay ng sapat na tulong sa mga biktima ng bagyo.

Ang Tindog People’s Network ay binubuo ng mga Yolanda survivors, kanilang pamilya at mga tagasuporta. Sinisisi nila ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa umano’y criminal neglect sa mga biktima ng Yolanda bunga ng sinasabi nilang dispalinghadong disaster preparedness ng pamahalaan, rescue, relief at rehabilitation efforts.

Sinasabi ng tagapagsalita ng grupo na si Mark Louie Aquino, pagkaraan ng 100 araw mula nang maganap ang kalamidad, walang sapat na tulong na natatanggap mula sa pamahalaan ang mga biktima ni Yolanda.

 

vuukle comment

ANG TINDOG PEOPLE

BENIGNO AQUINO

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

MARK LOUIE AQUINO

PANFILO LACSON

PANGULONG BENIGNO AQUINO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with