Chacha ratsada na

MANILA, Philippines - Iraratsada na ng Kamara ang deliberasyon ng resolusyon ni House Speaker Feliciano Belmonte para sa Charter change o Chacha.

Dahil dito kayat dalawang magkasunod na araw agad ang inilaan ng House Committee on Constitutional Amendment para matutukan ang Chacha rsesolution ng Speaker na itinakda Peb­rero 18 at 19.

Maituturing naman na hindi pangkaraniwan sa Kamara ang magdaos ng magkakasunod na araw para sa isang panukala.

Ang Chacha resolution ni Belmonte ay nagsisingit lamang ng katagang “unless Otherwise provided by law” sa economic provisions para mas madali itong amyendahan sa pamamagitan ng ordinaryong sistema ng lehislasyon.

Bunsod sa resolusyon ng Speaker kaya iniurong na rin ng ibang kongresista ang kanilang Chacha bills at resolution.

Target ni Belmonte na agad maaprubahan ito sa committee level para mapagdebatihan na sa plenaryo pagpasok ng Marso.

Show comments