MANILA, Philippines - Itinanghal sa kauna-unahang Mabini Media Awards ng Polythecnic University of the Philippines (PUP) ang pahayagang Pilipino Star Ngayon bilang Best Tabloid Newspaper.
Ang pagboto sa PSNgayon ay indikasÂyon na mataas ang kreÂdiÂbilidad ng pahayagan at tiwala ng publiko lalo na ng mga estudyanteng nakilahok sa survey.
Ginawa ang random sampling sa may 12,134 estudyante kung saan nakakuha ng pinakamataas na boto ang PSNgayon na 4,479 habang ang kalahati nito ay pinaghatian naman ng Abante, People’s Journal, Bulgar at Tempo.
Ayon kina Dr. Racidon Bernarte, chairman ng 2013 Mabini Media Awards at Dr. Edna T. Bernabe, Dean ng College of Communications, ang nasabing award giving body ay pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa print, television, radio, online media at advertisement sa pagbibigay at paglalahad ng responsable at makabuluhang balita, opinion at impluwensiya na nakapagpapa-unlad sa isang indibidual.
Nabatid na una itong naging proyekto ng mga piling 4th year Broadcast Communications students nooong 2009 sa Courser Media Relations ni Dr. Divina Pasumbal hanggang gawing Gat Apolinario Mabini Awards (GAMA) 2010 na hindi naman naisagawa.
Suportado naman ng kasalukuyang liderato ni PUP President Emmanuel de Guzman ang proyekto ng College of Communications na buhaying muli ang award giving body sa ilalim naman ng PUP Mabini Media Awards kasabay ng paggunita ng ika-109 taong anibersaryo ng nasabing unibersidad.
Napili din sina Anthony Taberna bilang Best Radio News Commentary Program Host; DZMM, AM Radio Station of the Year; Mel Tiangco, Best Television Public Affairs Program Host at Eat Bulaga, Best Television Variety Program.