MANILA, Philippines - Mistulang binastos ng mga opisyales ng isang kooperatiba ang simbahan ng Our Lady of Grace Shrine makaraang mag-walkout sa ipinatawag na special general assembly, kamakalawa ng hapon.
Ito ay nang manaig ng kagustuhan ng maÂyorya ng mga miyembro na desisyunan ang mosyon para sa petisyon na bumaba ang lahat ng bumubuo sa board of directors ng Our Lady of Grace Credit Cooperative (OLGCC) dahil sa kawalan na ng tiwala sa kanilang pamamahala.
Makaraan ang mahigit tatlong oras na diskusyon sa asembliya na dinaluhan ng mahigit 400 miyembro nito, nagdesisyon ang mayorya na isagawa ang “division of the house†para pa babain sa pwesto ang mga Board of Directors sa pangunguna ni Chairperson Josephine Jonson.
Ang pagpapababa ay sa mga miyembro ng BOD ay idinaan din sa petisyon laban sa mga ito na nilagdaan ng halos 500 members in good standing.
Nag-ugat ito sa hindi malunasang mass withdrawal sa kooperatiba, ang hindi pagkakaso sa mga taong isinasangkot sa umano’y nakawan sa loob ng Finance Department at ang pagpapasara sa mga satellite office na lalong nagpalugmok sa kooperatiba.
Ang asembliya ay ipinatawag upang resolbahin ang problema sa kooperaÂtiba at nagsilbing presiding officer ang mismong parish priest ng Our Lady of Grace na si Fr. Roger Caalim.
“ Dahil sa walkout, iginiit ng Election Committee head ng KoopeÂratiba na si Ric Sapu dapat kilalanin ng lahat ang desisyon ng mayorya ng mga miyembrong matiyagang naghintay hanggang matapos ang asembliya at ito ay ang bumaba ang lahat ng board of directors.