MANILA, Philippines – Pormal nang inireklamo ang tsuper at may-ari ng GV Florida Transpor Inc. kasunod nang pagkahulog ng bus sa bangin sa Mountain Province na ikinasawi ng 17 katao.
Knasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries ng Bontoc Municipal Police ang tsuper na si Edgar Renon, 31, sa Mountain Province Prosecutor's Office.
Pinagbasehan ng mga pulis ang mga salaysay ng mga saksi at ng mga nakaligtas na pasahero.
Kaugnay na balita: Tado Jimenez na-cremate na
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Ginez na mechanical failure at kapabayaan ni Renon ang naging sanhi ng malagim na aksidente na kinabilangan ng artista at aktibistang si Arvin “Tado†Jimenez.
Lumabas din sa imbestigasyon na sumabog ang gulong ng bus base na rin sa nakitang mga skid marks sa kalsada.
Kaugnay na balita: Biktima ng Florida bus walang matatanggap na insurance
Napag-alamanan din na illegal ang operasyon ng bus at gumaamit ito ng pekeng plaka.
Samantala, iginigiit ng GV Florida Transport na naging pabaya sila sa aksidente at sinabing nasa magandang kondisyon ang bus
Pansamantalang sinuspinde ng LTFRB ang prangkisa ng mga bus ng Florida Transport.
Kaugnay na balita: Florida bus suspendido ng 30 days
Sinabi naman ng Philippine Accident Managers Inc. (PAMI) na hindi nila sagutin ang mga biktima dahil hindi naman naka rehistro sa kanila ang bus na nahulog sa bangin.
"Hindi naman 'yun ang in-insure namin na bus e. So hindi babayaran ang insurance," pahayag ni PAMI Chairman Ed Atayde.