MANILA, Philippines - Sa Hulyo na rin magbubukas ng klase ang UST para sa School Year 2014-2015. Inianunsiyo ng Office of the Secretary-General ng UST na ang pormal na pagbubukas ng regular na klase nito ay sa Hulyo 14 hanggang Mayo 2015 mula sa dating kalendaryo na nagbubukas ng Hunyo at nagsasara ng Marso.
Ang pagpapalit ng kalendaryo ng UST ay paghaÂhanda na rin umano ng unibersidad sa ASEAN integration sa 2015. Sa ilalim ng bagong iskedyul, Hulyo hanggang Nobyembre ang unang semestre habang Enero 5, 2015 ang ikalawang semestre. Ang transition ay sa tertiary at post-graduate programs lamang at hindi sa basic education ng unibersidad.
Una nang naglipat ng academic calendar ang UP ngayong Agosto 2014, maliban sa UP-Diliman campus, at ang Ateneo De Manila University sa Agosto 2015 naman.
Pinag-aaralan na rin umano ng De La Salle University (DLSU) at Adamson University ang pagpapalit ng petsa ng opening ng klase.