Solon, 4 na tauhan kakasuhan dahil sa pekeng SARO
MANILA, Philippines – Isang mambabatas at apat na indibidwal pa ang inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na kasuhan dahil sa umano’y paggawa ng pekeng release order mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Pinakakasuhan ng NBI si Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr. ng falsification of public documents, gayun din sina Emmanuel Raza, tauhan ni Zamboanga Rep. Lilia Macrohon-Nuno; Elvie Rafael, tsuper ni Budget Undersecretary Mario Relampagos; Mary Ann Castillo, consultant ni Haresco at tauhan ng DBM na si Bhernie Beltran.
Bukod sa kasong falsification of public documents, nais din ng NBI na maireklamo ng obstruction of justice ang kongresista dahil sa pagtatago ng ebidensya sa fact-finding committee.
Ibinulsa umano ng mga akusado ang P161 milyon proyeko sa Cagayan at P77 milyon para sa hiwalay na proyekto sa Aklan gamit ang pekeng special allotment release orders (SARO).
Lumabas sa imbestigasyon na nagmula ang dalawang pekeng SARO para sa proyekto sa Cagayan at Aklan kay Castillo.
- Latest