MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Secretary Leila de Lima ang pahayag ng kampo ng modelong si Deniece Cornejo na may kinikilingan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghawak sa kaso ng pambubugbog kay TV host Vhong Navarro.
"No special treatment. Ginawa lang naman ng NBI, just one of those cases na inimbistegahan nila. Nagkaroon ng mabilis na resulta," pahayag ni De Lima sa isang panayam sa telebisyon kagabi.
Pero aminado ang kalihim na naiiba ang kaso nina Navarro at Cornejo.
Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong
"Yung sinasabing special treatment, hindi po namin kasalanan 'yon na yung kasong ito has elicited so much attention, maybe because of the personalities involved, maybe dahil si Vhong may mga fans siguro or what," dagdag niya.
Kinasuhan ng National Bureau of Investigation sina Cornejo, negosyanteng si Cedric Lee at iba pa nilang kasamahan ng kidnapping, serious illegal, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation.
Kaugnay na balita: Deniece Cornejo dehado sa ipinaglalaban
Naniniwala rin si De Lima na walang binago o pinalitan sa kuha ng closed-circuit television camera ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig.
"So kung sino mang may plano para mag-tamper noon, gawan ng paraan, i-delete or what, ay hindi ho nakagawan ng paraan kasi nakuha kaagad [ng NBI]," banggit niya.
Kaugnay na balita: Vhong ang daming kinatatakutan
Nitong Linggo ay pinuna ng abogado ni Cornejo na si Howard Calleja ang naging pagtrato ng mga awtoridad kay Vhong, partikular ang paglabas ng artista sa St. Luke’s Hospital noong nakaraang linggo.
“Obviously kitang-kita nama natin, from St. Luke's to DOJ, kung gaano karami ang escort niya at kapulisan na sana tumutulong sa ibang krimen at ibang isyung pambayan, e napunta sa kanya ang seguridad,†pahayag ni Calleja sa “Startalk†ng GMA7. “It would appear na meron konting pinapaboran o may konting special treatment dito.â€