MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Auxiliary Bishop BroÂderick Pabillo, national director ng CBCP-NASSA at CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman na indikasyon ng katamaran ng pamahalaan ang patuloy na pagsasapribado ng iba’t ibang ahensiya na nagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
Ayon kay Pabillo, hindi dapat maging tamad at i-asa ng administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III sa mga pribadong sector ang pangaÂngasiwa sa edukasyon, tubig, kuryente at maging ang mga hospital.
Sinabi ni Pabillo, tungkulin ng pamahalaan na paglaanan ng pondo ang public utilities na nagbibigay serbisyo publiko.
Naniniwala si Pabillo na lalong magdudulot ng kahirapan ang pagsasa-pribado ng mga pangunahing serbisyo sa bansa.
Aniya, hindi ang pagserbisyo sa publiko ang pakay at tungkulin ng mga pribadong sector kundi ang kumita in the expense of the poor.
Nabatid na bukod sa Philippine Orthophedic Center, 26-pang pampublikong Ospital ang nakatakdang isapribado ng pamahalaan na bahagi ng kanilang Private-Public Partnership program bukod pa ang pagsasapribado sa MWSS at iba pang public utilities.