MANLA, Philippines - Pinag-aaralan na ng mga naiwan ng komedyante at aktibistang si Arvin "Tado" Jimenez ang mga isasampang kaso laban sa Florida Transport matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa Mountain Province na ikinasawi ng 17 katao nitong Biyernes.
Sinabi ng direktor ng artist group na Dakila, tinutulungan nila ang pamilya ni Jimenez sa paghahain ng pormal na reklamo laban sa naturang bus company.
Umaasa si Leni Velasco, co-founder ni Jimenez sa DAKILA, na hindi na mauulit pa ang sinapit ng artista at ng mga iba pang biktima.
Kaugnay na balita: 14 patay sa tumilapong bus sa Mt. Province
"Tado, as we know him, is a true artist and a dedicated activist," banggit ni Velasco tungkol kay Jimenez na nagsusulong noon pa man ng kaligtasan sa kalsada.
"His thought-provoking lines, witty commentary and signature style commanded the attention and rebellion of the public that sought for alternative heroes. His ideas, bordering from the insanely absurd to downright brilliant, spawned outstanding works that continue to influence this generation," dagdag niya.
Nauna nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na susupendihin ang prangkisa ng Florida bus kasunod ng aksidente.