MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang ang kaligtasan ng mamamayan kasunod ng nangyaring aksidente ng mahulog sa bangin ang GV Florida bus sa Mountain province kung saan 14 katao ang nasawi kabilang ang komedÂyanteng si Arvin ‘Tado’ Jimenez.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., ginagampanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng sorpresang check-up sa mga bus companies.
“Patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang pagiÂging ligtas ng lahat ng uri ng sasakyang pampubliko, lalong-lalo na ang mga bus at public utility vehicles (PUV), na siyang naglululan ng pinakamaraming mamamayang bumibiyahe sa buong kapuluan,†wika ni Coloma.
Aniya, inatasan ni Pangulong Aquino ang DOTC at LTFRB na mahigpit na ipatupad ang batas sa road safety.
“Napag-alaman na ang naaksidenteng bus ng (GV) Florida Transit na nahulog sa bangin sa Bontoc, Mountain Province at kung saan nasawi ang 14 na katao ay ‘di awtorisado sa pagbibiyahe nito,†dagdag nito.