MANILA, Philippines - Sa gitna ng isyu ng pork barrel scam kung saan itutuloy muli ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa darating na Huwebes, sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na ginagamit ng ilan niyang kasama sa Senado ang imbestigasyon para sa ambisyon nilang tumakbo sa 2016 national elections.
Ayon kay Estrada, silang mga nasasabit sa scam katulad nina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Senator Bong Revilla ang inilalaglag ng kanilang mga kasamahan para sa 2016.
“Kami ang inilalaglag. Kasi may mga ambisyon din iyan sa 2016,†sabi ni Estrada.
Idinagdag ni Estrada na sa tingin niya ay hindi nakakatulong ang ibang senador para maging malinaw ang isyu dahil na rin sa may sarili ang mga itong agenda.
“Hindi (nakakatulong), ang ibang senador diyan ay may kanya-kanyang agenda yan. Maraming senador diyan kung magtanong at our own expense din,†ani Estrada.
Inaasahang haharap sa pagdinig sa Huwebes si Ruby Tuason, dating social secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada na posibleng gawing state witness ng gobyerno.
Nagpahayag ng intensiyon si Senator Miriam Defensor-Santiago na pipila sa mga senador na magtatanong kay Tuason.
Kinumpirma naman ni Estrada na hindi siya sisipot sa hearing sa Huwebes upang mabigyan ng laya ang mga testigo na magsalita.