MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na OFW na halos dalawang linggo nang pinaghahanap ang natagpuang wala ng buhay sa Saudi Arabia.
Sa ulat na nakarating sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, kinilala ang Pinoy na si Arnold “Arvie†Viajador, tubong Parañaqe City at nagtatrabaho sa Belajio Resort sa Obhur, Jeddah.
Hindi na nakabalik pa si Viajador sa kanilang taÂhanan matapos umalis at may bibilhin lamang sa labas. Huling nakitang buhay ng kanyang mga ka-trabaho si Viajador noong Enero 15, 2014 ng umaga. Nagsimula silang maÂngamba nang hindi ito pumasok sa trabaho ng kasunod na mga araw.
Dahil dito, nagpalabas sa social media ng kanyang larawan upang mahanap ang nasabing Pinoy.
Matapos ang 12-araw, nakatanggap ng tawag ang employer ng biktima sa mga awtoridad na natagpuang patay ang huli sa isang ospital.
Nakikipag-ugnayan na ang Konsulado sa awtoridad upang mabigyang linaw ang tunay na dahilan ng pagkasawi ng OFW.