Kinita sa ‘pork’ ibabalik ko - Tuason
MANILA, Philippines - Nakahandang ibalik ni Ruby Tuason ang parte ng kanyang naging pera sa pork barrel scam at Malampaya fund scam.
Si Tuason, dating social secretary ni ex-Pres. at Manila Mayor Joseph Estrada ang sinasabing “link†sa kontrobersiyal na P10 bilyong pork barrel scam, ay dumating sa bansa kahapon mula sa Estados Unidos at dumiretso sa tanggapan ng Department of Justice.
Inamin ni Tuason na naghatid siya ng komisyon mula sa pork barrel kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.
“Several times po siya na naghatid ng pera kina Senator Jinggoy Estrada and Senator Juan Ponce Enrile pero karamihan po ng para kay Senator Juan Ponce Enrile ay through the chief of staff, Atty. Gigi Reyes,†ayon sa kalihim.
Sa pagkakaalala ni Tuason ay mas malaki pa umano sa amount na nababanggit ni Benhur Luy ‘yung alam niya na naibibigay diretso kina Sens. Estrada at Enrile.
May pagkakataong siya mismo umano ang personal na naghahatid ng pera sa tanggapan nina Jinggoy at Enrile sa Senado. Dumadaan siya sa basement parking para hindi raw macheck.
Si Tuason umano ang nagpakilala kay Janet Lim-Napoles kina Jinggoy at Enrile maging sa dating chief of staff ni Enrile na si Reyes. Malapit na kaibiÂgan umano siya ng binansagang pork barrel scam queen.
Minsan si Reyes ang kumukuha ng pera sa kanilang bahay o kaya ay nagkikita sila sa isang restaurant.
“It’s either pipick-up ni Gigi Reyes mismo sa bahay niya (yung commission) or magkikita sila (Tuason & Reyes) sa isang restaurant,†ayon sa kalihim.
Aminado rin aniya si Tuason na mayroon siyang referral fee at umaabot sa 1.5 percent ang kanyang share sa bawat transaksyon ng pork barrel scam.
Hindi na idinetalye pa ni de Lima ang ibang impormasyon sa testimonya ni Tuason.
Pero dahil anya sa mga ito, itinuturing niya ang salaysay na “napakalaking bagay, napaÂkaimportante, napaka-crucial na development.â€
Sa mga testimonya ni Tuason, sinabi ng kalihim na qualified ito na masailalim sa state witness alinsunod sa standards ng Witness Protection Program (WPP) subalit nasa kamay na ng Ombudsman ang kanyang pagiging immune witness.
Nilinaw naman ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na conditional lamang ang pagiging state witness ni Tuason upang matiyak na tutuparin ng huli ang pangakong papanig ito sa prosekusyon.
Ayon kay Morales, naÂngangahulugan ito na hindi mapapabilang sa kaso si Tuason hanggat tumetestigo ito para sa panig ng prosekusyon pero maaring muling mapasama sa kaso sakaling bumaliktad.
Naniniwala naman si PaÂngulong Aquino na malaki ang maitutulong ng testimonya ni Tuason at maraming mga personalidad pa ang masasangkot sa sandaling magsalita na si Tuason.
Una nang isiniwalat ng whistleblowers na naging kasangkapan si Tuason sa pagtanggap ng kickback ng ilang senador.
Bago nitong Enero 2014 ay nagpadala na umano ng “surrender feelers†si Tuason upang tiyakin na nais nitong tumestigo sa kaso.
Kasama siya sa kinasuhan ng plunder dahil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Malampaya fund scam.
- Latest