^

Bansa

Tuason may isinabit na mga bagong pangalan sa pork scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May mga bagong pangalan ng mambabatas ang idinawit ng pinakabagong state witness Ruby Tuason sa bilyung-bilyong pork barrel scam.

Tumungo ngayong Biyernes sa Department of Justice (DOJ) si Ruby Tuason upang magbigay ng sinumpaang salaysay ng kanyang mga nalalaman sa pang-aabuso sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinabi ng abogado ni Tuason na detalyado ang impormasyong ibinigay ng kanyang kliyente kabilang ang mga araw at lugar kung saan naganap ang transaksyon sa pagitan ng mga mambabatas at itinuturong pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles.

Kaugnay na balita: Dating tauhan ni Jinggoy kakanta sa pork scam probe

"I can confirm that insofar that the Department of Justice is concerned, Mrs. Ruby Tuason's statements corroborated on ... all of its material points," pahayag ng abogadong si Dennis Manalo.

"Insofar as the essential or material personalities are concerned, they are corroborated ... Yes, there will be other names," dagdag niya.

Si Tuason ang umano'y tauhan ni Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na nagpapasok ng mga PDAF sa pekeng non-government organization ni Napoles.

Naniniwala si Manalo na mapakikinabangan ng DOJ at ng Office of the Ombudsman ang impormasyon ibinigay ni Tuason.

"The presence of these two heads of these delicate agencies means a lot ... They [have given] full value in the process and in all the statement that have been released today.

Sinabi rin ni Manalo na isasauli ng kanyang kliyente ang mga kinita bilang referral fee sa umano'y maanomalyang transaksyon.

Kaugnay na balita: Tuason 'provisional' state witness na sa pork scam

"Isasauli niya anumang halaga .... There will be no bargaining. It will simply be an arrangement o how the process will take place," wika ni Manalo.

Samantala, ginawang "provisional" state witness na ng DOJ si Tuason dahil sa kanyang pagsisiwalat.

Isasama ng DOJ si Tuason sa witness protection program upang maprotektahan ang testigo.

"She's entitled to protection [and] her family, too. 'Yan ang kahiling-hilingan niya, na protektahan ang kanyang pamilya," baggit ni De Lima.

DE LIMA

DENNIS MANALO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM-NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

KAUGNAY

MANALO

RUBY TUASON

TUASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with