PNoy pumila sa LTO para mag-renew ng lisensiya
MANILA, Philippines - Nag-renew kahapon ng kanyang driver’s license si Pangulong Aquino, dalawang araw bago sumapit ang ika-54 kaarawan nito sa Pebrero 8.
Katulad ng ordinaryong applicant ay pumila ang Pangulo sa Land Transportation Office (LTO)-Tayuman branch na sinamahan nina DOTC Sec. Jun Abaya at PCOO Usec. Rey Marfil.
Ikinagulat ng ibang aplikante ang pagpila ng PaÂngulo sa halip na dumaan sa “VIP†treatment upang mabilis na makakuha ng lisensiya. Tumagal din ng halos isang oras bago nito natapos ang kanyang renewal.
Sinamantala naman ng mga aplikante na magÂpakuha ng litrato habang nakapila ang Pangulo.
Ayon kay Marfil, walang special na plano si PNoy para sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Peb. 8.
- Latest