MANILA, Philippines - Nakalabas na kahapon ng St. Luke’s MeÂdical Center ang actor-TV host na si Vhong Navarro matapos ang dalawang linggong pagka-confine dahil sa matinding mga pasa at sugat na tinamo sa ginawang pambuÂbugbog sa kanya ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee sa condominium unit ni Deniece Cornejo sa Taguig noong Enero 22.
Pasado alas-12:00 ng tanghali nang lumabas ng naturang pagamutan si Navarro na may bakas pa rin ang ilang pasa sa mukha nito at bandage sa braso.
Pinasalamatan naman ni Vhong ang lahat ng nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kanya kaugnay ng nangyari sa kanya.
Si Navarro ay sumakay ng van saka tumungo sa Department of Justice (DOJ) para paÂnumpaan ang kanyang reklamo laban kina Lee, Cornejo at anim pa.
Anim na kasong criÂminal ang isinampa ni Navarro laban sa mga suspect noong Enero 28 – serious physical injuries, grave threat, grave coercion, unlawful arrestÂ, blackmail at serious illegal detention na isang non-bailable offense.
Una nang iginiit ni Navarro na biktima siya ng blackmail at hindi rin niya hinalay si Cornejo gaya ng sinasabi nito.