PNoy pumila sa pag-renew ng driver's license

Malacañang Photo Bureau

MANILA, Philippines - Hindi ginamit ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang puwesto upang mapadali ang proseso sa pag-renew ng kanyang driver's license ngayong Huwebes sa Maynila.

Sinunod ni Aquino ang pila  at tamang proseso sa pag-renew ng kanyang lisensya sa opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Tayuman, Maynila.

Inabot lamang ng halos 30 minuto si Aquino sa opisina ng LTO.

Nag-renew ng lisensya si Aquino dalawang araw bago ang kanyang ika-54 na kaarawan.

Kilala si Aquino sa pagsunod nang mga simpleng patakaran, kabilang ang pagsunod sa traffic light kahit nakasalalay ang kanyang seguridad.

Maaalalang ipinagbawal ng Pangulo ang paggamit ng wang-wang sa kalsada maging sa mga pulis.

Show comments