Korte pinamamadali sa rice smuggling case
MANILA, Philippines - Mismong si Senate President Franklin M. Drilon ang nanawagan kahapon sa hudikatura na pabilisin ang paglilitis ng mga kasong may kinalaman sa rice smuggling.
Ayon kay Drilon, ang hindi pagtugon at pagresolba sa mga kaso ng rice smuggling ang nagpapalakas ng loob para magpatuloy ng kanilang ilegal na gawain ang mga smugglers.
“Ang hindi agarang pagtugon at paglutas sa mga kaso ng rice smuggling na isinasampa sa korte ay nagpapalakas lamang ng loob ng mga smugglers na magpatuloy sa iligal nilang gawain. KinakailaÂngang mapabilis ang pagresolba sa mga kasong ito na magsisilbing babala at panakot sa mga taong magtatangkang labagin ang batas sa iligal na pag-aangkat ng produkto,†sabi ni Drilon.
Aminado si Drilon na naaapektuhan na ang ekonomiya ng bansa sa patuloy na smuggling lalo na ang kabuhayan ng mga magsasaka.
“Naaapektuhan ang ating ekonomiya sa pagpapatuloy ng iligal na gawaing ito, subalit ang mga pinakaapektado ay ang mga mahihirap na magsasaka na maghapong nakabilad sa araw para lamang kumita at matiyak na mayroon tayong makakain,†patuloy ni Drilon.
Idiniin ng pangulo ng Senado na kailangang magtulungan ang tatlong sangay ng gobyerno upang tuluyang masugpo ang smuggling sa bansa.
- Latest