Meralco posibleng kunin ng gobyerno
MANILA, Philippines - Posibleng i-‘takeover’ ng gobyerno ang Manila Electric Company (Meralco) kapag hindi nito binawi ang banta na magkakaroon ng serye ng brownouts sa sandaling hindi pa alisin ng Korte Suprema ang freeze order sa P4.15 dagdag sa singil sa kuryente.
Ayon kay Bayan Muna Reps. Nerie Colmenares at Carlos Zarate, hindi dapat takutin ng Meralco ang publiko dahil maaaring i take-over at kontrolin ng gobyerno ang kanilang serbisyo in case of emergency upang maiwasan ang anumang aberya dito.
Iginiit naman ni Zarate na maituturing na maitutuÂring na blackmail ang banta ng Meralco kaya dapat lang itong balewalain ng kanilang mga kustomer.
Dahil dito, dapat agad magsampa ng reklamo ang gobyerno laban sa mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ilang mga opisyal na nasa likod ng umanoy sabwatan para sa bigtime power rate hike.
Tiwala din ang mga kongresista na hindi na maipapataw pa ng Meralco ang P4.15 na power rate hike sa kabila ng mga pagbabanta ng brownouts dahil lumabas umano sa oral argument sa Korte Suprema na walang basehan para sa pagtataas ng singil.
Malinaw umano sa paliwanag ng abogado ng Meralco na wala naman kakapusan sa suppky ng kuryente kaya ang babala nitong brownout ay lumalabas na pera-pera lamang at hindi nakabase aa isyu ng power supply.
Samantala, nanindigan ang Malacanang na patuloy nitong poprotektahan ang mamamayan kasabay ang paggiit na dapat pinaghandaan ng Manila Electric Company ang Malampaya shutdown, ayon kay Sec. Herminio Coloma ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sinabi ni Coloma sa media briefing na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nagsabi na dapat pinaghandaan ng Meralco ang pagsasara ng Malampaya dahil nakaiskedyul naman ito.
Hindi anya makataruÂngan na ipasa sa taumbayan ang dagdag sa singil sa kurÂyente dahil lamang sa hindi paghahanda ng Meralco kaya hindi papayagan ng gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General na maalis ang temporary restraining order na ipinalabas ng Korte Suprema laban sa dagdag na halaga ng kuryente.
Hindi din naniniwala ang Palasyo sa pananakot ng nasabing power distributor na magkakaroon ng rotational brownout kapag patuloy na umiral ang TRO.
- Latest