^

Bansa

Republika ng TM, patuloy ang paglaki

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang paglaki ng bilang ng mga subscribers na gumagamit ng TM, ang value brand ng Globe Tele­com, matapos ang 23% growth sa subscriber base nito noong Setyembre ng nakaraang taon.

Ngayong taon, mas magiging aggressive ang TM sa pagbibigay ng pinakasulit at pinakabagong Unlitawag15 at UnliAllNet10 promos nito.

Sa Unlitawag15, maaari nang ma-enjoy ang unlimited calls sa TM/Globe sa halagang P15 valid for 1 day sa pamamagitan ng pag-text ng U15 sa 8888. Samantala, sa unlimited all-network text offer naman na UnliAllNet10, maaari ng mag-unlimited text ang mga TM subscribers sa lahat ng networks sa halagang P10 valid for 1 day sa pamamagitan ng pag-text ng UA10 sa 8888.

“Naiintindihan namin ang pagpapahalaga ng mga customers namin sa kanilang pera kaya naman bibigyan sila ng TM ng mas affordable na promos,” pahayag ni Issa Cabreira, Vice President for Globe Total Consumer Prepaid Business.

Noong 2011, ipinakilala ng TM ang AstigTxt15 na first-ever 2-day unli­mited text promo nito at noong 2012, nagdagdag ito ng voice at all-net text promos sa kanilang most-availed offers sa parehong halaga nang ipinakilala nito sa publiko ang TM Combo10 at TM Combo15.

Samantala, sinorpresa ng TM ang mga customers nito sa pamamagitan ng TM EXTEND na isa sa mga flagship offers nito kung saan maaari nang i-extend ng mga customers ang kanilang paboritong TM promo for 24 hours para sa karagdagang halaga na P5.

Bukod sa most affor­dable call and text offers, nagbigay din ang TM ng Free Facebook promo simula noong October 2013. Sa pamamagitan ng Free Facebook promo, maaari nang ma-access sa mobile phone ang nasabing social networking site for free, nang hindi na nangangailangan pa ng Wi-Fi o karagdagang bayad sa data charges.

Para sa karagdagang impormasyon sa TM offers at promos, maaa­ring bisitahin ang RepublikaTM.ph.

vuukle comment

BUKOD

FREE FACEBOOK

GLOBE TELE

GLOBE TOTAL CONSUMER PREPAID BUSINESS

ISSA CABREIRA

SAMANTALA

TEXT

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with