Miriam may bagong pasabog vs Enrile

MANILA, Philippines - Ayaw pa ring tigilan ni Senator Miriam Defensor-Santiago si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na pinaiimbestigahan naman ngayon sa P5.101 bilyong kontrata sa paggawa ng breakwater project sa Cagayan.

Isang “urgent at personal letter” ang ipinadala kahapon ni Santiago kay Justice Secretary Leila de Lima na humihiling sa DOJ na imbestigahan ang nasabing kontrata kung saan isinangkot niya si Enrile.

Iginiit din ni Santiago na dapat imbestigahan ang diumano’y koneksiyon ng kanyang dating chief of staff na si Atty. Gigi Reyes at pamilya nito sa disbursement ng P5.101 bilyong pondo ng gobyerno.

Nagawa umanong isingit ni Enrile ang napa­ka­laking halaga sa budget para sa Cagayan Freeport sa nakalipas na limang taon.

“Enrile was able to insert this humongous amount in the budget for the Cagayan Freeport for the last five years. It appears that Enrile used their names to surreptitiously morph the Freeport into the main vehicle for smuggling and other illicit operations, which I outline below,” sabi ni Santiago sa kanyang sulat kay de Lima. Sinabi ni Santiago na kabilang sa Sta. Fe Builders board of directors ang pamilya ni Reyes.

Sinabi ni Santiago na maliwanag na ipinadaan sa Sta. Elena Construction ang P5.101 bilyon na ipinalabas ng gobyerno para sa breakwater ng Port Irene na diumano’y proyekto ni Enrile.

 

Show comments