MANILA, Philippines – Kahit kilalang “pro-life†advocate, pabor si Senador Tito Sotto sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.
Sinabi ni Sotto na may mga kriminal na dapat mapatawan ng death penalty depende sa nagawang krimen.
"[M]erong mga kriminal na hindi mo na marerehabilitate. That's when we use it (death penalty)," pahayag ni Sotto sa isang panayam sa telebisyon.
Pero iginiit ni Sotto na hindi ito nasasagasaan ang kanyang pagkontra sa reproductive health bill.
"I am pro-life for the unborn. I am pro-life for the Filipino family," wika ni Sotto. "But I am not pro-life for the low-life, I mean, for heinous criminals. Bakit ko na naman gugustuhin na nandiyan sila?"
Isa sa mga dahilan ni Sotto sa pagpayag sa death penalty ay ang tumataas na bilang ng mga krimen sa bansa. Nitong nakaraan taon lamang ay nasa 8,134 ang bilang ng malalagim na krimen.
"That means with 90 million Filipinos, every family has been affected by a crime at least once," banggit ni Sotto.
Naniniwala ang Senador na bababa ang bilang ng mga krimen oras na ibalik ang death penalty sa bansa.
"It's a natural law. Iba 'yung may kaba. Ang tao takot mamatay," sabi ni Sotto.
Samantala, isa pa sa dahilan ni Sotto sa pagbalk ng death penalty ay upang mapigilan ang mga dayuhan na gawing pugad ang bansa.
Sinabi ni Sotto na masiyadong magaan ang parusa ng Pilipinas sa mga kriminal kaya naman marami ang naglalakas loob na dito magsagawa ng ilegal na transaksyon.
"Aside from this, the fact that the international community admits that the Philippines is now a target and is being used by international drug cartels,†ani Senador.
"Ang tingin nila playground ng drug trafficking ang Pilipinas," banggit pa ni Sotto. "Dito sa Pilipinas, aalagaan sila. Life imprisonment, eh."