Lookout order vs Vhong hiniling sa DOJ

MANILA, Philippines – Nais ng kampo ng negosyanteng si Cedric  Lee at modelong Deniece Cornejo na maglabas din ng lookout bulletin ang Department of Justice laban sa TV host Vhong Navarro.

Sinabi ng abogado nina Lee at Cornejo na si Howard Calleja na dapat ay maging patas ang batas sa dalawang kampo.

"Kung nakitang pinaskil ang picture ng kliyente ko, eh dapat ipaskil rin ang picture niya, na sa lahat, na may kaso siyang rape," banggit ni Calleja ngayong Martes.

Kaugnay na balita: Gabriela ‘di suportado si Deniece Cornejo

Nitong nakaraang lingo ay inilagay sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration sina Cornejo at Lee kasunod nang kinakaharap nilang patung-patong na kaso.

Nahaharap si Cornejo, Lee at iba pa nilang kasamahan ng serious illegal detention, serious physical injuries grave threat, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation.

Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong

Iginiit ni Calleja na wala ring piyansa ang kanilang kaso laban kay Navarro.

Nakatanggap na ng subpoena ang grupo nina Lee at Cornejo upang humarap sa pagdinig sa Pebrero 14 at 21.

Show comments