^

Bansa

Batas na tatapos sa kagutuman, isinulong sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong tapusin ang kagutuman sa bansa.

Ang House Bill 3795 o ang Right to Adequate Food Bill ay inihain nina Akbayan  partylist Reps. Ibarra Gutierrez at Walden Bello, Dinagat Islands Rep. Arlene Kaka Bag-Ao at Quezon City Rep. Kit Belmonte, kasama ang ilang mga katutubo.

Giit ni Gutierrez, nakasaad sa panukala na kinikilala ang right to food bilang isa sa panguna­hing karapatan ng mga Pilipino.

Layunin nito ang zero hunger sa loob ng 10 taon matapos na mapagtibay ang panukala.

Sa kabila nito, aminado naman ang kongresista na mahirap na target ito subalit kakayanin ito kung masusunod ang framework na inilatag sa panukala para wala kahit isang Pilipino ang magugutom sa hinaharap.

Isa umano sa posibleng gawin ng gobyerno ay i-subsidize ang budget sa pagkain ng mahihirap na pamilya para masiguro na wala ng magugutom pa.

 

ADEQUATE FOOD BILL

ANG HOUSE BILL

ARLENE KAKA BAG-AO

DINAGAT ISLANDS REP

IBARRA GUTIERREZ

KIT BELMONTE

MABABANG KAPULUNGAN

PILIPINO

QUEZON CITY REP

WALDEN BELLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with