Palasyo sa mediamen: ‘Safety protocols’ sundin
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga media networks hinggil sa umiiral na “safety protocols†kaugnay sa pag-kober sa mga areas na mayroong armed conflicts.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson AbiÂgail Valte, dapat sundin ng mediamen ang protocol matapos madamay sa nangyaring pagsabog sa Maguindanao ang dalawang TV news crew.
Ayon kay Usec. Valte, mahalagang makipag-ugnayan sa mga ground officials ang mga mamamahayag na nagkokober sa mga lugar na may tensyon.
May umiiral anyang safety protocol ang militar at pulis na dapat sundin ng media para na rin sa kanilang seguridad at kaligtasan.
Una rito, sugatan ang cameraman na si Adrian Bulatao at reporter ng TV5 na si Jeff Caparas matapos madamay nang masabugan habang nagko-kober lamang sa naunang pagsabog sa Brgy. Salvo, Datu Saudi, Ampatuan.
Si Caparas ay nagtamo ng sugat sa hita habang si Bulatao ay tinamaan ng shrapnel at sinasabing nasa seryosong kondisyon.
Sa inisyal na impormasyon, kagagawan umano ng BIFF ang insidente.
Mahigit na sa 50 katao ang nasawi sa nangyaring bakbakan sa lalawigan habang nasa libu-libong katao naman ang mga apektado.
- Latest