MANILA, Philippines - Sa gitna ng ulat na nasa bansa na ang notorious na Mexican Sinaloa drug cartel, iginiit kahapon ni Sen. Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr. ang pagdadagdag ng mga nagpapatrulyang pulis sa mga school zones.
Ayon kay Marcos, malamang na targetin ng mga nagpapakalat ng ilegal na droga ang mga estudyante kaya dapat mas maging mapagmatyag ang mga pulis at doblehin ang pagpapatrulya sa mga university belts at mga eskuwelahan.
Inamin kamakailan ng Philippine National Police (PNP) na ang mga miyembro ng Mexican Sinaloa drug cartel ay nagsimula na ng kanilang “shabu’’ (methamphetamine) operations sa Pilipinas.
Dapat din aniyang sumailalim sa special training ang mga ipapakalat na pulis upang mabilis nilang matukoy ang mga drug pushers.
Nauna rito, iginiit ni Sen. Vicente “Tito†Sotto III ang pagbabalik sa bansa ng parusang kamatayan dahil dito umano tumatakbo ang mga banyagang nagpapakalat ng ilegal na droga dahil walang parusang bitay sa Pilipinas.