MANILA, Philippines - Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cellphone ni Vhong Navarro kay Deniece Cornejo na pinaniniwalaang makatutulong sa imbestigasyon at pagpalabas ng katotohanan bago nangyari ang umano’y bugbugan noong gabi ng Enero 22.
Ayon kay NBI-NCR Assistant Director Vicente de Guzman, malalaman sa palitan ng mga text messages ng dalawa kung may katotohanan na nagkaroon ng palitan ng text messages ang mga ito upang magtagpo sa condominium unit at kung nagkaroon ng imbitasyon.
Paliwanag ni de Guzman may kakayahan ang NBI na mabatid ang kabuuang palitan ng mensahe ng dalawa kahit pa nabura na ng aktor ang kaniyang mga text messages sa cellphone.
Batay sa pahayag ng aktor, noong Enero 17 kung saan nangyari ang “oral sex†ay nagkaroon ng palitan ng mensahe ang dalawa na mistulang naghamunan hanggang sa nagkataon na nangyari muli ang pagtatagpo.
Batay na rin sa naging affidavit ng aktor, matapos ang “oral sex†nag-text sa kaniya si Cornejo na “ABAD KA TALAGA†na agad namang ni-replayan ng aktor na nagsasabing “SORRY1 BABAWI AKO NEXTIME†ayon sa affidavit ni Navarro.
Sumunod nilang pagkikita ang Enero 22 kung saan nangyari ang pambubugbog at paghingi umano ng pera ng kampo nina Cedric Lee at iba pa.