MANILA, Philippines - Patuloy na nakakatanggap ng death threat ang actor/comedian na si Ferdinand “Vhong “ Navarro simula ng bugbugin ito ng grupo ng negosÂyanteng si Cedrick Lee sa isang condominium sa The Fort, Taguig City.
Inihayag ito kahapon ni Atty. Dennis Manalo, legal counsel ni Vhong na nagtungo kahapon sa PNP Headquarters kasama ang manager ng aktor na si Chito Roño.
Ang kampo ni Vhong ay nakipagpulong kina DILG Secretary Mar RoÂxas at P/Deputy Director Gen. Leonardo Espina, chief for operation ng PNP para humingi ng karagdagang ‘security protection’ at ipakansela sa PNP ang lisensya ng baril ni Lee at mga kasamahan nito.
Dalawang baril ni Lee ang lisensyado base sa nakatala sa PNP-Firearms and Explosives Division bagaman tumangging tukuyin kung anu-ano ang naturang mga armas.
Sinabi ni Manalo na kahit nasa ospital ay sunud-sunod na death threat ang natatanggap ng kaniyang kliyente matapos ang kontrobersyal na isyu na kinasangkutan nito kay Lee at sa modelong si Deniece Cornejo sa Forbeswood Parklane Condominium sa Global City, Taguig City noong Enero 22.
“This text messages contain threat and we have been advise that this matter should be referred to the bureau investigaÂting the case, so they can study how it can be use for the case and determine who these people are, sending this text messages,†ani Manalo.
Bukod dito, may isang insidente rin ayon pa kay Manalo na inikutan ng kahina-hinalang mga lalaki ang bahay ni Vhong at pilit umanong pinabubuksan ang gate.
Sinabi ni Manalo na nakipagpulong sila ni Roño kay Roxas upang hilingin ang karagdagang proteksyon o police visiÂbility sa bahay ng aktor sa Quezon City.
Nais din nilang ipakansela na ang baril na nakaÂisyu kay Cedric at sa mga kasamahan nito upang hindi na magamit pa sa anumang karahasan.
Hindi pa makakalabas ng ospital ang aktor dahil sa grabeng tinamo nitong mga bugbog sa katawan at may mga serye pa ng test na kailangang gawin ang mga doktor rito.
Kaugnay naman ng itinaas na sa kasong rape na isinampa ni Cornejo laban sa aktor, sinabi ni Manalo na base sa kuha ng CCTV footage sa condo ay gawa-gawa lamang ito.
“Buong sambayanan ang nakakita sa CCTV footage, that is to me the best evidence on the sequence and the best evidence of the people who were inside the room, this rape case is totally concocted, no factual basis for this, I don’t think this rape case will be favorable acted upon by the porsecution agency of the government,†dagdag pa nito.