COA may final ultimatum

MANILA, Philippines - Nagbigay na kahapon ng final ultimatum si Commission on Audit Chairperson Grace Pulido-Tan laban sa mga opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na hindi pa rin nagli-liquidate ng kanilang pondo na kung susuma­hing lahat ay aabot ng bilyon-bilyong piso.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona kaugnay sa pork barrel scam fund, inihayag ni Tan na nagbigay na siya ng demand sa mga ahensiya ng gobyerno na may malalaking unliquidated cash advances o kaya ay cash transfer.

 â€œWhat we did two years ago, because when I came in I saw the billions in unliquidated cash advances or cash transfers. So what we did, I said, we better make a final demand on all of these agencies to do something about it. And we even published that in the newspaper,” sabi ni Tan.

Sinabi ni Tan na may probisyon sa batas na nag-aatas para sa pagli-liquidate ng mga cash advances sa loob ng partikular na panahon ay kung hindi ito nagawa ay ituturing na winaldas ang pondo.

Idinagdag ni Tan na “final demand” na ang inilabas ng COA at magsasampa na sila ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno na hindi nakapag-liquidate ng kanilang nagamit na pondo.

 

Show comments