MANILA, Philippines - May 1,000 stranded OFWs na nakahimpil sa “Tent City†sa Jeddah ang inaasahang makakauwi na sa bansa sa lalong madaling-panahon.
Ayon sa Konsulado, matapos ang kanilang pakikipag-negosasyon sa Saudi Immigration and Deportation, pumayag na ang mga opisyal dito na madala ang nasabing bilang ng mga distressed OFWs para maiproseso na ang kanilang pag-uwi sa bansa.
Sinimulan noong Enero 26 ang paghahatid ng Consulate officials sa may 100 OFWs kada araw sa General Services Center facility sa Al-Shumaisy, may 60 kilometro ang layo sa Jeddah alinsunod sa naging special agreement sa pagitan ng Phl government at Saudi government.
Sa nasabing kasunduan, aakuin ng pamahalaan ang transportasyon na gagamitin sa paghatid sa mga OFWs patungo sa nasabing deportation center.
Ang nasabing bilang ng mga nakatakdang ipasailalim sa deportaion proceedings ay kabilang sa may 8,000 stranded at undocumented OFWs na humingi ng tulong sa Konsulado simula noong Abril 2013 para mabigyan sila ng exit visas kasama ang mga nagkampo sa labas ng konsulado na nagtayo ng kanya-kanyang tent.
Sa tala, umaabot sa sa 4,167 Pinoy ang napuwi na ng Department of Foreign Affairs, Embahada sa Riyadh at Konsulado sa Jeddah bilang pagsunod sa kampanya ng Saudi government laban sa mga illegal foreign workers sa kingdom nitong 2013.