P1.4M sahod ng mga senador idinepensa
MANILA, Philippines - Bilang lider ng Senado, sinagot kahapon ni Senate President Franklin Drilon ang mga naunang pahayag ni Senator Miriam Defensor-Santiago na kumukuwestiyon sa P1.4 milyon sinasahod umano ng ilang senador.
Nilinaw ni Drilon na ang pondong tinatanggap ng Senado ay para sa publiko at hindi para sa kanilang “personal profitâ€.
Tiniyak ni Drilon na bawat sentimo na ginagastos ng Senado sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay para sa serbisyo ng mga mamamayang Filipino.
Ipinaliwanag pa ni Drilon na ang tanggapan ng bawat senador ay may nakalaang P1.4 milyon na ginagamit naman para sa sahod, allowances at mga office operating expenses katulad ng pambili ng supplies, communication expense, local travels at iba pa.
Mayroon anyang mga panuntunan para matiyak na ang pondo na nakalaan sa bawat senador ay nagagamit para lamang sa kanilang “legitimate at fully intended purposes.â€
Sumasailalim din daw sa pagbusisi ng Commission on Audit (COA) ang bawat expenditures ng mga senador.
Sang-ayon naman si Drilon na dapat magkaroon ng transparency kaugnay sa paggastos ng public funds.
Nauna rito, sinabi ni Santiago na bagaman at P90,000 lamang ang sahod ng bawat senador, pinapayagan naman ng batas na magkaroon sila ng budget ng hanggang P1.4 milyon.
- Latest