^

Bansa

‘Nanay ko wag idamay’- Sen. Binay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananawagan si Senator Nancy Binay sa mga grupong kontra sa kanilang pamilya na huwag nang isama sa political circus ang ina niyang si dating Makati Mayor Elenita Binay.

Tinutukoy ng senador ang desisyon ng Office of Special Prosecutor ng Ombudsman na buhayin ang isang matagal nang kaso na nauna nang ibinasura ng Ombudsman noong 2011 dahil sa kawalan ng sapat na katibayan.

“Huwag naman sanang gamitin ang nanay ko para pilayin ang pamilya namin,” apela ng batang senador.

Ayon kay Atty. Felicitas Arroyo na nagsalita para sa matandang Binay, panggigipit lang ang desisyon ng Special Prosecutor Office na humihiling sa Sandiganbayan na tanggapin ang isang “Amended Information” na nagdadagdag kay Dr. Binay bilang isa pa sa mga akusado sa kaso na ibinunsod ng isang reklamo noong panahon ng panunungkulan niya bilang alkalde ng Makati.

May 10 taon na ang nakakaraan nang isampa ang reklamo sa Ombudsman noong 2003 laban sa dating alkalde bagaman dinismis ito pagkaraan ng dalawang taon.

Binatikos naman ng senadora ang pagbungkal muli sa reklamo laban sa dating alkalde na ayon sa kanya ay kahina-hinala sa panahong ito na mataas ang approval at trust rating ng ama niyang si Vice President Jejomar Binay.

Hindi anya parehas na gagamitin ang kanyang ina sa demolition job laban sa Bise Presidente. “Pakiusap. Huwag na siyang idamay,” apela ng senadora.

vuukle comment

AMENDED INFORMATION

BISE PRESIDENTE

DR. BINAY

FELICITAS ARROYO

HUWAG

MAKATI MAYOR ELENITA BINAY

OFFICE OF SPECIAL PROSECUTOR

SENATOR NANCY BINAY

SPECIAL PROSECUTOR OFFICE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with