P527 milyon halaga ng pinsala ni Agaton

MANILA, Philippines –  Umabot na sa P527 milyon ang halaga ng pinsala ng bagyong “Agaton” ayon sa state disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na higit kalahati ng pinsala ay sa impastraktura o P273.62 milyon.

Ilan sa mga nasira ni Agaton ay ang irrigation dams sa Barangay Aragon at Taytayan sa Cateel, Davao Oriental.

Nasa P253.49 milyon naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura, dagdag ng NDRRMC.

Samantala, 66 na katao pa rin ang bilang ng mga nasawi sa unang bagyo ngayong taon, habang siyam ang nawawala.

Sinabi pa ng NDRRMC na 1.148 milyon katao o 244,344 pamilya ang naapektuha ng bagyo sa 1,002 barangay sa Northern Mindanao, Davao, SOCCSKARGEN, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Mula sa naturang bilang ay 97,110 katao o 20,086 pamilya ang nananalagi pa sa 223 evacuation centers.

 

Show comments