Bitay kinatigan sa Senado, bill inihain ni Sotto
MANILA, Philippines - Kinatigan na rin sa Senado ang pagpapabalik ng parusang kamatayan sa iba’t-ibang krimen kasunod ng ilang panukalang inihain kamakailan sa House of Representatives na humihinging bitayin ang mga dayuhang sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot sa Pilipinas.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng karumal-dumal na krimen, isinulong sa Mataas na Kapulungan ang muling pagbuhay sa Republic Act 7659 o ang Death Penalty Law.
Sa Senate Bill 2080 na inihain ni Senator Vicente “Tito†Sotto III, sinabi nito na nakakaalarma na ang pagtaas ng mga karumal-dumal na krimen.
Ayon pa kay Sotto, ang pagpapatupad ng habambuhay na pagkabilanggo bilang pinakamataas na parusa sa kasong kriminal sa kasalukuyan ay napatunayan nang hindi nakakapigil sa pagtaas ng kriminalidad.
Naniniwala si Sotto na ang pagkawala ng buhay dahil sa krimen at ang pagsira ng mga ari-arian ay nakakaapekto maging sa economic development at prosperity ng bansa.
Samantala, naniniwala naman si Senator Edgardo “Sonny†Angara na dapat tingnan muna kung epekÂtibong naipatutupad ang kasalukuyang batas.
“Sa aking tingin, tingÂnan muna natin yung impleÂmentasÂyon ng current na batas dahil ang direksyon nga ng ibang bansa ay wala nang death penalty at magfocus tayo sa pagpapalakas ng ating law enforcement institutions,†pahayag ni Angara.
Sa panukala ni Sotto, nais nitong ipatupad ang Death Penalty Law sa pamamagitan ng paggamit ng lethal injection.
Nauna rito, ang House Bill 1213 na nagpaparusa ng kamatayan sa mga dayuhang sangkot sa droga ay muling inihain ng magkapatid na Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Partylist, Abante Mindanao) matapos na maÂbigong mapagtibay bilang batas noong 15th Congress.
Ipinaliwanag ng magkapatid na kongresista na hindi makatuwiran na ang mga Pilipino ay napapatawan ng parusang kamatayan sa ibang bansa tulad sa China kapag nahuhuli sa kasong droga tulad umano ng nangyari sa tatlong Filipino na binitay sa nasabing bansa na sina Elizabeth Batain, 38, Sally Ordinario-Villanueva, 32 at Ramon Credo, 42.
Pero pagdating dito sa Pilipinas, ang mga nahuhuÂling dayuhan tulad ng Chinese nationals na nagbebenta at nag o-operate ng drug dens at laboratories ay habangbuhay na pagkabilanggo lang ang parusa kahit gaano kalaki ang bulto ng drogang nakukumÂpiska sa kanila.
Layunin ng panukala na amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drug Acts upang hindi na maglakas-loob pa ang mga dayuhan na gumawa ng droga sa bansa.
Ang panukala ng magkapatid na Rodriguez ay nakalusot sa kamara noong nakaraang kongreso subalit nabigo naman ito sa Senado.
- Latest