MANILA, Philippines – Nagbabala ang women's advocates sa Kamara na mas darami ang manganganak na babae sa labas ng ospital oras na isapribado ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.
Tutol ang mga kababaihang mambabatas na isapribado ang naturang ospital na kilala sa tawag na “baby factory†dahil sa rami ng pinapanganak na bata araw-araw.
"Even now, as the government is already banning home births and passing city ordinances penalizing midwives who provide cheap birthing services, almost every week we hear of women giving birth in taxis and trains," pahayag ni Gabriela party-list Rep. Emmi De Jesus.
"With this privatization of the Fabella, we are sure that poor mothers will experience further hardships in seeking inexpensive natal care for their families. Expect more babies to be born in pedicabs and convenience stores," dagdag niya.
Sa planong pagsasaayos sa Fabella hospital ay bababa sa 400 pasyente na lamang ang matatanggap mula sa orihinal na 700 na hindi pa rin sapat dahil sa dami ng mga nanganganak.
Ililipat din ang pwesto ng ospital, habang ang orihinal na lugar ay gagamitin para sa pagbibigay ng ilang serbisyo tulad ng beauty treatments.
"It is the constitutional responsibility of government to improve, develop and modernize public hospitals and public health services but doing this should be in the service of the people, not for the interests of profit-oriented investors and rich clients," wika pa ni De Jesus.
Naniniwala ang mambabatas na dapat ay unahing pangalagaan ang kapakanan ng mga mahihirap na Pilipino.