MANILA, Philippines – Muling binalaan ang eastern Mindanao sa paparating na sama ng panahon kasunod nang pananalasa ng bagyong “Agaton.â€
Sinabi ng AccuWeather meteorologist Eric Leister na may papasok na low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes o Sabado na magdadala ng pag-ulan.
"The heaviest rainfall is expected to occur over the areas that are still recovering from the recent flooding," pahayag ni Leister ngayong Martes.
"This amount of rainfall across the southern and central Philippines can quickly lead to widespread flooding, while hindering recovery efforts across the region," dagdag niya.
Pero nilinaw ng meteorologist na hindi magtatagal sa bansa ang sama ng panahon hindi katulad ni Agaton na tumagal ng ilang linggo sa PAR.
Samantala, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi nila inaasahang magiging ganap na bagyo ang LPA na nasa Pacific Ocean ngayon.
Dagdag nila na magdadala ito ng ulan maging sa Visayasa at Caraga region.
Anila, papangalanang “Basyang†ang LPA kung maging ganap na bagyo.