MANILA, Philippines - Tahasang hinamon kahapon ni Senator Ramon “Bong†Revilla Jr. si Sec. Panfilo Lacson na pangalanan nito ang 10 pulitikong nagbulsa at kumita mula sa konstruksyon ng mga bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City.
Sinabi ni Revilla, mas makabubuting ihayag na ni Lacson ang mga pangalan ng sampung pulitiko na umano’y kumita ng 30 hanggang 35 porsyento mula sa over-prices at substandard bunkhouses.
Si Lacson na kamakailan ay ipinuwesto bilang presidential assistant for rehabilitation and recovery para sa mga naapektuhang lugar sa Visayas sanhi ng super-bagyong Yolanda ay umamin na nasa kanya na ang mga pangalan ng mga politicians na sangkot sa anomalya.
Ani Lacson ang 10 politicians na ito ay kumulekta mula sa mga contractors pero hindi sumunod sa tamang specifications ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa konstruksyon ng istraktura ng bunkhouses.
Tumangging pangalanan ni Lacson ang mga sangkot subalit inamin niya ang iba sa mga ito ay kilala bilang administration allies samantalang ang iba naman ay nasa oposisyon.
“Dapat na pangalanan na niya (Lacson) ang mga involved. Hindi na ito ang panahon para itago pa ang pangalan nila at hayaan ang ganitong klase ng pandaraya. Kumbaga, biktima na, bibiktimahin paâ€, sabi pa ni Revilla.