MANILA, Philippines - All out support ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) sa mga opisyal at miyembro ng Golden Beans and Grains Producers Cooperative (GBGPC) sa kanilang mga proyekto na naglalayong mapasigla ang pagtatanim at paggawa ng ibat-ibang produkto mula sa high protein na organic soya na itinatanim ng mga kasapi ng nasabing Kooperatiba.
Ayon sa Pangulo at Chairman ng GBGPC na si Dok Nilo Dela Cruz, nais nila na balang araw ay hindi na aangkat ang bansa ng soya sa halip ay mag-e-export pa dahil sa masigasig na ibinibigay na tulong ng gobyerno sa pangunguna ng Bureau of Agriculture and Research (BAR), Philmech, Central Luzon State University (CLSU) Nueva Ecija HVCDP at University of the Philippines Los Baños (UPLB).
Ngayon araw na ito ay ipapakilala ng GBGPC sa publiko ang ibat-ibang produkto na gawa sa masustansiyang soya beans na gaganapin sa kapitolyo ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Kabilang sa mga proÂduktong gawa sa soya beans na ipapakilala sa publiko ay ang masarap, malinamnam at masustansiyang soya milk, tofu, tokwa, longgasoy, emboÂtidosoy, soyasisig, taho at marami pang iba.
Ang launching ay dadaluhan ng mga matataas na opisyal ng Nueva Ecija, Rose Aquino ng DA, Elmer Enicola ng UPLB, Region 3 CDA Director, Cabanatuan CDA Coordinator at iba pang opisyal ng lalawigan.
Ang soya ay una ng tinawag na ‘wonder crop’ dahil sa dami ng mga benepisyong kailangan ng isang tao na makukuha lamang sa soya at wala sa ibang pagkain.
Ilan sa mga benefits ng soya ay anti-cancer, anti-allergy, anti-diabetic, prevents heart disease, lower cholesterol, promotes weight loss, prevents osteoporosis, rich in protein, omega 3, fiber at calcium.