MANILA, Philippines - Mahalaga umano ang pagrebisa sa polisiya ng gobyerno sa importasyon ng bigas, ayon sa consu-mers group.
Sa isang pahayag na inilabas ni Action for Consu-merism and Transparency for Nation Building (Action) binigyang-diin nito na walang ibang nakasalalay dito kundi ang supply ng bigas ng bansa at interes ng ating mga magsasaka.
“A re-examination of the government’s regulatory policies towards the importation of rice is clearly overdue. Unless the legal loopholes are plugged, legitimate importers will be at the mercy of the whims of some government officials tailoring their interpretation of the law according to their own agenda/gains,†apela ni Ryann Baccay, director ng ACTION.
Idinagdag pa ng grupo na kailangan isama sa rebyu ang allowable rice import ng National Food Authorities’ (NFA) sa ilalim ng quantitative restriction (QR) quota ng gobyerno, private sector quota, government to government rice trade, kundi dapat ding kilalanin ang karapatan gayundin ang oportunidad na ibinibigay sa mga kooperatiba ng magsasaka sa importasyon ng bigas.
Bagama’t pinayagan ng NFA ang mga farmers cooperatives sa importasyon ng bigas ay nakaligtaan ng gobyerno na ibigay sa mga magsasaka ang pasilidad para payagan silang lumahok sa importasyon.
Dahil sa rami ng iniimporta na nangangailangan ng malaking capital, ang mga farmer cooperatives simula noong 2003 ay pinupwersang maghanap ng financiers o investors para kumita sa pamamagitan ng rice importations at mas malala pa ay ibenta ang kanilang import quota.
Ang nasabing system ay pinapayagan ng gobyerno kaya sa pamamagitan ng NFA ay nakapanghihikayat ng lehitimong mga negosyante para pumasok sa kasunduan kasama ang ibang farmer cooperatives.
Gayunman, binigyang-diin ng ACTION na subject din ng pang-aabuso ng sindikato ng smuggling ang nasabing sistema.
“Had the rules been clearer and definitive, legitimate businessmen would not have ventured into such,†ayon pa sa grupo.